QUEZON CITY – Sa paggunita ng anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), nanawagan ang Integrated Rural Development Foundation (IRDF) na pabilisin ang pamamahagi ng titulo sa halos 1.4M ektaryang nasa ilalim ng collective CLOA.
Ayon kay IRDF Executive Director Arze Glipo, bagamat 37 taon na ang nakalilipas nang simulan ang CARP sa ilalim ni dating Pangulong Cory Aquino, nananatiling malaking hamon ang kawalan ng pormal na pagmamay-ari ng lupa ng maraming magsasaka. Sa kabuuang 4.8 milyong ektarya ng agrikultural na lupa na sakop ng programa para sa halos 3 milyong benepisyaryo, 43 porsyento o mahigit 1.3 milyong ektarya ang nasa ilalim pa rin ng collective Certificates of Land Ownership Award (CCLOAs) at halos kakatiting pa lang na porsyento nito ang naiparsela at nabigyan ng titulo sa ilalim ng kasalukuyang programa ng Administrasyong Marcos na SPLIT program.
“Sa panahon ngayon, marami pa rin ang wala pa talagang pormal na pagmamay-ari sa kanilang sinasakang lupa,” ani Glipo. Dulot na rin ito ng mabagal na pagpapatupad ng programa na inabot na ngayon ng halos apat na dekada, ang hindi pagsakop sa mga malalawak na plantasyon dahilan sa mga iskemang tulad ng leaseback agreement, pagsulpot at paglala ng mga alitan sa lupa bunsod ng mga magkakapatong na claim halimbawa ay mga awarded CARP titles na may nakapatong na Proclamation order para sa mga protected areas, military reservation, o ancestral land claim.
Sa mga ipinagkaloob nang CCLOA, tinatayang 47 porsyento o mga 1.3 milyong ektarya ang wala pang indibidwal na titulo na sumasakop sa 750,000 ARBs. Marami sa mga ito ang naisanla na o “naibenta” na ng mga ARBs. Sa isang banda, malawak na bilang ng pribadong lupain ang hindi naipasok sa land acquisition at distribution dahilan sa naikutan ng mga malalaking landowners ang butas sa retention limit ng CARP sa pamamagitan ng pagpadami ng heirs at ang iba naman ay nag-apply ng pagpalit ng gamit ng lupa mula pang-agrikultura patungo sa komersyal o real estate na gamit. Kahit na nga may nailunsad na New Agrarian Emancipation Act na layong hanguin sa pagkakautang ang mga ARBs sa pamamagitan ng pagkansela ng kanilang mga utang at mga di pa nababayarang amortisasyon sa Land Bank, hindi pa rin nasisiguro nito na mapapabilis ang mga pagparsela at pagpatitulo ng lupa sa ilalim ng programang SPLIT. Sa katunayan 15 porsyento pa lamang sa target na 1.4 miyong ektarya ang nabigyan ng e titles, sa mga kadahilanang nabanggit sa komplikadong dokumentasyon at survey. Maaaring tulad ng sistemang Torrens title noong panahon ng Amerikano, baka sa halip na makuha ng mga ARBs ang kanilang inaasam asam na titulo ay lalong magpabilis ito sa pagsalin sa kamay ng mga naprendahan ng CLOA. Ang kasalukuyang digitalization ng mga titulo ay magbibigay sa mga may kapital at mga mamumuhunan na mabigyan ng agarang impormasyon ukol sa mga lupa at titulong puede nang makonsolida. Bukod sa pagpapatitulo, pinakamalaking problema ng mga benepisyaryo ang mababang produktibidad ng sakahan at pagbagsak ng ng kita sa pagsasaka mayroon mang CLOA o wala. Sa katunayan, pareho lang naman ang katayuan ng hindi ARB at ARB. Lugmok sa kahirapan ang uring magsasaka, sila ang kumakatawan sa halos 27 porsyento pa ring mga Pilipinong mahihirap at nagugutom.
Kahit na nga ang nailunsad ang New Agrarian Emancipation Act na layong hanguin sa pagkakautang ang mga ARBs sa pamamagitan ng pagkansela ng kanilang mga utang at di pa nababayarang amortisasyon sa Land Bank, hindi pa rin nasisiguro na mapapabilis ang mga pagparsela at pagpatitulo ng lupa sa ilalim ng programang SPLIT sa kadahilanang masalimuot na dokumentasyon, pagmamapa at survey na kakailanganin sa mga pagpapatitulo. Bagkus tulad ng sistemang Torrens title noong panahon ng Amerikano na nagtulak upang lalong mawalan ng lupa ang mga katutubong magsasaka, ang kasalukuyang digitalization ng mga titulo ay maaari ding pagmulan ng pagkawala ng pormal na instrumento na mahahawakan ng magsasaka, lalu na kulang na kulang sa kaalaman sa teknolohiya ang mga ARBs.
Bukod sa pagpapatitulo, pinakamalaking problema ng mga benepisyaryo ay totoo namang hindi nagdulot ng pagtaas ng produktibidad at kita sa pagsasaka ang pagkakaroon ng CLOA o titulo. Sa katunayan, pareho lang naman ang katayuan ang non ARB at ARB. Lugmok sa kahirapan ang magsasaka, halos 27% pa rin ang mahirap sa Pilipinas, karamihan nito ay mga magsasaka sa palayan at niyugan.
Utang at Kakulangan sa Kapital, Pangunahing Balakid
Pagkabaon sa utang at kawalan ng kapital ang pangunahing dahilan kung bakit malaking bilang ng mga benepisyaryo ng CARP ay hindi kinakitaan ng pagbabago sa antas ng kabuhayan, 37 taon makalipas ilunsad ang nasabing programa. Ayon kay Glipo, maraming benepisyaryo, partikular na sa mga palayan at niyugan ang hindi makabayad ng amortization sa lupa dahilan sa lugi ang pagsasaka at mababa ang presyo ng kanilang mga produkto.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, 11 hanggang 12 porsyento lamang ng mga nabigyan ng CLOA ang aktwal na nakakabayad, bagama’t umangat ito sa 27 porsyento sa kasalukuyan. Babala ni Glipo na kung hindi sasamahan ng sapat na suporta ang pamamahagi ng lupa—gaya ng financing, irrigation, at access sa merkado—maaaring mauwi sa pagkawala ng lupa ang mga magsasaka.
“Kung magpapatuloy ang kasalukuyang mabagal na pag usad sa land acquisition and distribution, pag focus sa pagparsela lamang sa ilalim ng SPLIT, tingin natin hindi mismo makukumpletong ang pamimigay ng lupa sa mga nararapat na banepisyaryo,” ani Glipo.
Babala Laban sa Dispossession at Komersyalisasyon ng Lupa
Binanggit din niya ang kaso ng Hacienda Luisita at iba pang plantasyon kung saan lumitaw ang iba’t ibang iskemang nagresulta sa patuloy na kawalan ng kontrol ng magsasaka sa kanilang produksyon.
Panawagan sa DAR at Proteksyon sa mga ARBs
Nanawagan si Glipo kay DAR Secretary na pabilisin ang survey, conflict resolution, at pagpapatitulo upang maiwasan ang pagbenta ng mga magsasaka ng kanilang CLOA. Marami sa mga benepisyaryo aniya ang lubog sa utang at ang kanilang mga titulo ay nakasanla na.
“Ingatan natin na hindi ito magtulak sa lalong dispossession ng mga ARBs dahil karamihan sa kanila ay lubog sa utang,” ani Glipo.
Binigyang-diin din niya ang problema sa mga lupang idineklarang military reservation tulad sa Dingalan, Aurora, kung saan matagal nang nakaposisyon ang mga magsasaka bago pa man ideklara ang naturang reservation.
“Walang konsultasyon, walang proseso ng konsultasyon at pagbibigay impormasyon sa mga magsasaka. Kung gusto nating mabigyan ng resolusyon ang kahirapan sa kanayunan, dapat bigyan ng priority at urgency ang pagresolba sa pagmamay-ari ng lupa ng mga magsasaka,” ani Glipo.
Sa huli, nanindigan ang IRDF na hindi sapat ang pagbibigay lamang ng titulo. Kinakailangan ang investment sa irrigation, processing facilities, science at teknolohiya, at pagpapalakas ng mga kooperatiba upang tunay na makinabang ang magsasaka mula sa agrarian reform.#